Mark 13:1-2

Sinabi ni Jesus ang tungkol sa Pagkawasak ng Templo

(Mat. 24:1-2; Luc. 21:5-6)

1Nang paalis na sina Jesus sa templo, sinabi ng isa sa mga tagasunod niya, “Guro, tingnan nʼyo po ang templo. Kay laki ng mga ginamit na bato at napakaganda ng pagkakagawa.” 2Sinabi ni Jesus sa kanya, “Ang templong ito na nakikita ninyo ngayon, na gawa sa malalaking bato, ay siguradong magigiba at walang maiiwang magkapatong na bato!”

Copyright information for TglASD